Pumunta sa nilalaman

Talaan ng mga lungsod sa Malaysia

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ito ay isang talaan ng mga lungsod ng Malaysia. Sa Malaysia, may mga lugar na binigyan ng katayuang panlungsod (city status o "bandar raya") sa pamamagitan ng batas. Subalit may mga matatap at urbanisadong lugar na walang katayuang panlungsod, bagaman karaniwang tinutukoy ang mga ito bilang mga "lungsod". Ang katayuang panlungsod ay binibigay sa isang lugar sa loob ng isang pook ng pamahalaang lokal (local government area). Ang iba pang mga lugar na walang katayuang panlungsod ay inuri ayon sa batas bilang mga munisipalidad o bayan.

Mga lungsod ng Malaysia

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang sumusunod na talaan ng mga lugar sa Malaysia na nakaayos ayon sa petsa ng paggawad ng katayuang panlungsod (city status).

Retrato Name Estado/FT (Mga) lokal na pamahalaan(s) Petsa ng paggawad ng katayuang panlungsod Populasyon
(Senso 2010)
Mga nota
George Town

Pulo ng Penang

Penang Penang Island City Council 1957-01-01Enero 1, 1957 708,127 Panibagong katayuang panlungsod bilang Pulo ng Penang noong Enero 1, 2015.[1] Pinalawak ang hurisdiksiyon upang saklawan nito ang kabuoan ng pulo.[2][3]
Kuala Lumpur Kuala Lumpur Federal Territory Kuala Lumpur City Hall 1972-02-01Pebrero 1, 1972 1,588,750
Ipoh Perak Ipoh City Council 1988-05-27Mayo 27, 1988 657,892
Kuching Sarawak Kuching North City Hall
Kuching South City Council
1988-08-01Agosto 1, 1988 325,132 Opisyal na binubuo ng dalawang entidad ng lokal na pamahalaan ang Kuching
Johor Bahru Johor Johor Bahru City Council 1994-01-01Enero 1, 1994 497,067
Kota Kinabalu Sabah Kota Kinabalu City Hall 2000-02-02Pebrero 2, 2000 452,058
Shah Alam Selangor Shah Alam City Council 2000-10-10Oktubre 10, 2000 641,306
Malacca City Malacca Historical Malacca City Council 2003-04-15Abril 15, 2003 484,885
Alor Setar Kedah Alor Setar City Council 2003-12-21Disyembre 21, 2003 405,523
Miri Sarawak Miri City Council 2005-05-20Mayo 20, 2005 234,541
Petaling Jaya Selangor Petaling Jaya City Council 2006-06-20Hunyo 20, 2006 613,977
Kuala Terengganu Terengganu Kuala Terengganu City Council 2008-01-01Enero 1, 2008 337,553
Iskandar Puteri  Johor Iskandar Puteri City Council 2017-11-22Nobyembre 22, 2017 529,074
Seberang Perai Padron:Country data Penang Seberang Perai City Council[4] 2019-09-16Setyembre 16, 2019 818,197
Seremban  Negeri Sembilan Seremban City Council 2020-01-01Enero 1, 2020 515,490 Sinanib ang Seremban at Nilai upang mabuo ang Seremban noong Enero 1, 2020.
(Mga) dating lungsod sa loob ng Malaysia
Pangalan Estado Lokal na pamahalaan Petsa ng paggawad ng katayuang panlungsod Mga nota
Lungsod ng Singapore Singapore City Council of Singapore Setyembre 22, 1951 pinaalis mula sa Pederasyon noong Agosto 9, 1965

Naging lungsod ang George Town noong Enero 1, 1957, sa pamamagitan ng isang royal charter na ginawad ng Kaniyang Kamahalan Reyna Elizabeth II, kaya ito ay naging pinakaunang pamayanan sa Pederasyon ng Malaya na naging lungsod (Naging lungsod ang Singapore noong 1951, subalit naging malayang bansa ito noong 1963 at pinaalis mula sa Pederasyon noong 1965). Nakasaad sa royal charter na (sa orihinal na tekstong Ingles):

"... the said Municipality of George Town shall on the First Day of January in the year of Our Lord One thousand nine hundred and fifty seven and forever thereafter be a city and shall be called and styled the CITY OF GEORGE TOWN instead of the Municipality of George Town and shall thenceforth have all such rank, liberties, privileges and immunities as are incident to a City."

Subalit ang mga eleksyong panlokal na pamahalaan ay binuwag ng pamahalaang pederal noong 1965, at ang mga gawain ng Konsehong Panlungsod ay inilipat sa Punong Ministro ng Penang (Chief Minister of Penang) noong 1966. Itinatag ang isang Konsehong Munisipal para sa buong Pulo ng Penang sa pagitan ng mga taong 1974 at 1976.

Bagaman hindi opisyal na binuwag ang katayuang panlungsod (city status) ng George Town, nasa pagdududa ang pag-iral ng George Town bilang isang corporate entity, maari bilang isang lungsod. Pareho ito sa katayuan ng dating lungsod ng Rochester sa Inglatera (na kinaroroonan ng ikalawang pinakalumang katedral ng Inglatera), na isa nang lungsod mula 1211 hanggang 1998, kung kailang sinama ito sa isang kalapit na boro. Dahil hindi ginawaran ng katayuang panlungsod ang bagong konseho, at ang lungsod sa paraan ng pagkaligta ay hindi nakapaghirang ng mga charter trustee upang maipamana ang city charter, natapos nang tuluyan ang pag-iral ng lungsod.

Ang pananaw na ito ay sinalungat ng mga lokal na residente, na iginigiit na ang katayuang panlungsod ng George Town ay hindi binuwag kailan man, at nananatili itong lungsod hanggang ngayon. Ayon sa abogadong si Datuk Anwar Fazal, George Town "legally has been and is still a city because the City of George Town Ordinance 1957 had not been repealed".[3] Dahil ang katayuang panlungsod ay isang usapin sa batas, ang tunay na ligal na katayuan ay dedepende sa pagsusuri ng City Council of Penang (Transfer of Functions) Order 1966 at ang Local Government Act 1976.

Noong Enero 1, 2015, binigyan ng pamahalaang pederal ng katayuang panlungsod ang Penang Island Municipal Council na naging Penang Island City Council bunga nito, kaya lumawak ang hangganan ng George Town upang saklawan ang kabuoan ng Pulo ng Penang, pati ang ilang nakapalibot na mga maliliit na pulo surrounding islets.[2][3]

Mga sumunod na lungsod

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga royal charter ng Kuala Lumpur, Kuching, Kota Kinabalu, Shah Alam, Malacca City, Alor Setar at Miri ay mula sa Yang di-Pertuan Agong, habang ang Ipoh at Johor Bahru naman ay ginawaran mula sa kani-kanilang mga state sultan. Idineklarang "historical city" (makasaysayang lungsod) ang Malacca bago ito ginawad ng katayuang panlungsod noong 2003.

Ang pinakamalaking lungsod, Kuala Lumpur, ay ang kabiserang pederal at teritoryong pederal, subalit magmula noong 2003, karamihan sa mga katawang ehekutibo ng pamahalaan ay lumipat sa bagong kabiserang pang-administratibo at teritoryong pederal ng Putrajaya.

Kabilang sa pinakahuling batayang kraytirya (noong 2008) upang maigawad ang katayuang panlungsod sa isang lokal na pamahalaan ay: may pinakamaliit na populasyon na 500,000 at taunang kita na hindi bababa sa RM 100 milyon.[5]

Ang Kuala Lumpur ay ang pinakamalaking pook urbano gayundin pinakamalaking kalakhang lugar sa Malaysia. Ang Pulo ng Penang, na kinabibilangan ng George Town, ay ang pangalawang pinakamalaking lungsod sa Malaysia gayundin may pangalawang pinakamalaking conurbation sa Malaysia, habang pangatlong pinakamalaki naman ang kalakhang lugar ng Johor Bahru. Ang mga iba pang kalakhang lugar na may mga populasyong higit sa 500,000 katao ay Ipoh, Kuching at Kota Kinabalu.

Mga kinaroroonan ng mga lungsod

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Looi Sue-Chern (Marso 24, 2015). "George Town a city again". The Malaysian Insider. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 26, 2015. Nakuha noong Hulyo 10, 2015. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Cavina Lim (25 Marso 2015). "Penang's First Mayor A Woman". The Star. Nakuha noong Enero 24, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 "George Town meliputi 'pulau', jelas Datuk Bandar" (PDF). Buletin Mutiara. Mayo 1, 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Seberang Prai achieves city status". The Star Online (sa wikang Ingles). Setyembre 16, 2019. Nakuha noong 16 Setyembre 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Criteria Status for Local Authority". Local Government Department. 30 Hunyo 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Hulyo 2015. Nakuha noong 24 Abril 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga ugnay panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Padron:Cities in Malaysia